Aze's POV Nagising ako, pero hindi ko alam kung nasaan ako. Nasa isang madilim na kwarto ako. May bintana pero nakasara ito. Medyo nahihilo pa ako at ang sakit ng batok ko. Dahan-dahan akong bumangon. Hindi ko maintindihan kung kwarto ba ito o bodega.Ang daming nagkalat na mga gamit. "Gising ka na pala." Napalingon ako sa kaniya. "Sino ka?" "Masyado akong maganda para magpakilala sa'yo." Sagot niya. Kung may lakas lang ako baka sinabunutan ko na ang isang 'to. Masyadong mayabang. Nafefeeling maganda. "Anong kailangan mo sa'kin?" "Sa'yo wala sa pamilya ng lalaking mahal mo meron. At dahil mahal mo siya,kaya damay ka na rin sa gulo." Ano ba pinagsasabi nito?... "Ano ibig mong sabihin?" "Huwag ka masyadong matanong." "Pakawalan niyo ako dito.." Sabi ko habang pumipiglas sa nakatal