Xiel's POV Naghahanda na kami para sa gig namin. Panay sigaw ng mga fans. Namiss ko din tumugtog at kumanta sa stage. Pakiramdam ko kasi akin ang mundo sa tuwing tumutungtong ako sa stage. Masarap sa pakiramdam na napapasaya mo ang ibang tao. Sa bawat kantang kinakanta mo. "Good Evening everyone? Do you miss me?" Bati ni James sa mga audience. Nagsigawan na naman ang mga babae niyang fans. Agad ko naman siyang hinila at kinuha ang mic sa kaniya. "Good evening. Pasensyahan niyo na ang kasama ko. Nasobraan ang aircon sa katawan kaya ganyan."Pabiro kong sabi saka naman natawanan ang mga nanonood. "Are you guys in love?" Sabay naming tanong sa mga audience. Hati ang sagot nila Yes at No. Nakakatawa panay deny ang iba. Halata sa reaction nila sa pagsagot. Bigla akong napatingin sa intran