Chapter 23 Masaya "Althea!" malakas na salubong ng Mama ni Thea. Pagkatapos ng ilang oras na biyahe ay nakarating na rin kami sa kanila. Isa-isa kaming lahat na pinakilala ni Thea sa malaki rin niyang pamilya. Naalala ko ang bahay namin. Namimiss ko na rin ang pamilya ko. Baka umuwi rin ako sa amin. "Siya na ba?" mangha ang Mama ni Thea na bumaling kay Felix. Magalang naman na bumati si Felix. "Yes, 'Ma!" proud naman na kumpirma ni Thea. Pinatuloy na kami ni Tita sa dining area nila para makakain na rin ng lunch at medyo late na nga. Malaki rin ang bahay nila Thea. Naroon ang grandparents niya at mga kapatid. Marami rin bata na mga pamangkin niya. "Sila kuya po, 'Ma?" "Ay, tapos nang kumain ang mga iyon huwag mo nang alalahanin." ani Tita. "Pauwi na rin ang Papa mo, Thea, s