Chapter 25 Nice "We will stay until Lolo gets better." ani Gio. Tumango ang Lola niya. "Nako, napagastos ko pa tuloy, apo." anito. Umiling si Gio. "Huwag n'yo na po isipin." Ngumiti si Lola. "Salamat, apo." anito. Tumango lang si Gio at nagpaalam na rin. "Saan kayo matutulog ngayon?" "May nahanap na po kaming inn sa bayan, Lola." sagot ko sa Lola ni Gio. "Ganoon ba," tumango ito. "Pasensya na kayo at wala rin kayong maayos na matutulugan sa bahay." anito. "Okay lang po, 'La." si Gio. Ngumiti na sa amin ang matanda at tuluyan na rin kaming nagpaalam na magpapahinga muna. Mananatili pa sa ospital ang Lolo ni Gio bilang payo na rin ng doktor. Sasamahan ito roon ng Tiya at Lola niya. Sinigurado rin namin na kumportable sila roon at may pagkain at mahihigaan din. Nagsabi si G