Chapter 14 Son "Tuwang-tuwa ang Tatay." anang ate sa tabi ko habang tinitingnan namin na nag-iinuman sila Tatay. "Patigilin na kaya natin sila? Late na rin, ate." sabi ko na nag-aalala kay Gio. "Lasing na sila." dagdag ko. Tumatawa na nga ang Tatay at tinatapik pa ang likod ni Gio. Tumawa rin ang kuya ko na halos pikit na ang mga mata, ganoon din ang brother-in-law ko. Sila nalang din ang nag-iinuman at nakauwi na kanina ang mga bisita. "Hayaan mo muna, Gi. Minsan lang naman." ang ate. "At nandito lang naman sila sa bahay." dagdag nito. Bumaling siya sa akin. "Ikaw, mauna ka nang umakyat at magpahinga sa taas. Hindi ayos sa buntis na nagpupuyat." aniya. Tumango ako at sumunod na. Naiiwan pa ang mga mata ko kay Gio na halatang lasing na rin at nakikisabay kanila Tatay. Pero k