Chapter 21 Ngiti "Ikaw lang yata ang ma-attitude na secretary." sabi ni Thea. Kumakain siya ng manggang hilaw. Nagbuntong-hininga ako. "Parang ang boss mo pa ang kailangang mag-adjust sa 'yo, 'no?" dagdag niya. Umiling ako. "Hindi ko lang mapigilan, Thea." sabi ko. "Babalik nalang siyang may kasamang ibang babae?" "Bakit? Ano niya ba yung babae? Sinabi naman niyang wala silang relasyon, 'di ba?" Hindi ako nakapagsalita. "Ang selosa mo rin pala, Gi." ani Rose. Nasa penthouse kami ni Felix, na ngayon ay penthouse na nila ni Thea. Napakilala na rin siya sa pamilya ni Felix. "Hindi ako selosa-" "Oh, deny pa." putol sa akin ni Kat. Muli nalang akong nagbuntong-hininga. "Mag-usap kayo, Gi." advice sa akin ni Kat. Tumango naman ako. "Usap! Idiretso n'yo nalang sa love m