Chapter 12 Together "Nakapaghanda na ba kayo ng hapunan?" tanong ni Nanay. "Hindi pa po tapos sa pagluluto, 'Nay, pero malapit na rin 'yon." anang ate. Bumaling ito sa akin. "Maupo ka muna. Napagod ka ba sa biyahe?" Naupo ako sa wooden sofa namin sa sala. Nilibot ko pa ang tingin sa bahay. Na-miss ko rin dito. Umiling ako kay ate. "Hindi naman, po." Nanatili ang tingin nito sa akin. Naroon ang pag-aalala. "Bakit hindi ka nalang agad nagsabi? Pamilya mo kami. Nahirapan ka ba?" tanong nito. Umiling ako. "Hindi," lumipat ang tingin ko kay Gio na nakapasok na rin sa sala namin. Tumayo ako para salubungin siya. "Good evening," polite na bati ni Gio sa ate ko. Ngumiti naman ang ate sa kaniya. "Gio, ito nga pala ang ate ko. Ate, si Gio." Tumango si ate. "Medyo malayo rin itong amin