Chapter 4
Cookies
"Giselle, nakita kita sa mall noong isang araw, ah. Hindi na nga lang ako nakalapit pa. Ang guwapo no'ng kasama mo! Boyfriend mo?" isang kaklase ang lumapit sa akin.
Napatingin pa ako sa paligid. Umiling ako. "Hindi." tipid na sagot ko at bumalik sa pag-aaral. Malapit na ang exams namin. Kaya dapat nag-aaral nalang din itong kaklase ko.
"Hindi? Weh? Ang sweet n'yo nga, e." dagdag pa niya.
Naisip ko kami ni Gio. Sweet? Hindi naman. Malisyosa lang talaga itong kaklase ko.
"Kung hindi kayo ipakilala mo nalang ako-"
"Nag-aral ka na ba? Malapit na ang exams natin." paalala ko sa kaniya.
May tumawag sa kaniya na isa pa naming kaklase kaya iniwan niya na rin ako at pumunta naman doon. Nagbuntong-hininga nalang ako.
Si Jack ang sumundo sa akin ngayon. Medyo nasanay na rin ako na si Gio ang naghahatid-sundo sa akin. "Si Gio?" iyon pa ang bati ko sa kaniya.
"May late meeting pa siya. Pinakiusapan niya ako na ako na sumundo sa 'yo ngayon."
"Sorry, Jack, nakaabala pa ako sa 'yo."
Umiling agad siya. "No prob." at nag-drive na paalis.
Nakapag-dinner na ako at handa na para sa pagtulog pero hindi pa rin ako mahiga sa kama. Hindi pa rin nakakauwi si Gio. Iniisip ko kung kumain na rin ba iyon ng dinner. Sobrang busy ba ngayon sa company nila? Ang alam ko ay tumutulong siya sa Papa niya at nakatatandang kapatid na lalaki sa pagpapatakbo ng business nila.
"Gi?" si Jack na kabababa lang ng hagdan at nakita ako sa sala na panay ang silip sa labas kung dumating na ba si Gio.
"Jack,"
"Why are you still awake? Why are you here?" lumapit siya sa akin.
"Si Gio kasi, hindi pa nakakauwi."
Huminga si Jack. "You should be sleeping now. Sabi pa naman ni Gio dapat matulog ka raw ng early. Overtime na 'yon sa company nila."
"Okay lang ba siya? May problema ba sa company nila?"
Umiling si Jack. "Im not sure, but Gio and his brother can handle their business. So don't worry."
Hindi ko pa rin maiwasan mag-alala.
"Do you have Gio's number?" tanong ni Jack.
Umiling ako.
Nilabas niya ang phone niya. "Here, maybe you can message him? To check on him."
Kinuha ko sa kaniya ang numero ni Gio. S-in-ave ko iyon sa phone ko. Nag-message na rin ako sa kaniya.
[Gio, si Giselle 'to. Uuwi ka ba ngayon? Kumain ka na ba ng dinner?]
S-in-ent ko iyon.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nag-reply siya. Agad kong binuksan ang message.
[Why are you still awake? Yes, kumain na ako. I'll be home very late. Go to bed now, Giselle.]
Kahit paano ay parang nakahinga ako ng maluwag.
Nag-type pa ako ng reply.
[Okay, matutulog na ako ngayon. Magpahinga ka rin, Gio. Take care, please.]
[I will. Sleep now.] - ang huling reply niya.
Napanatag na ako.
"You okay now?"
Tumango ako at ngumiti kay Jack sa harap ko na mukhang naghintay lang. Napangiti na rin siya. "You want icecream?" tanong niya.
Tumango naman ako.
Tinungo namin ang fridge at naglabas si Jack ng icecream doon. Naupo kami roon at inabutan ako ni Jack ng spoon.
"Nasaan ang Mama ni Gio? Ang Papa niya lang kasi at kuya ang minsan niyang nabanggit sa 'kin." tanong ko kay Jack.
Bahagyang natigilan si Jack sa tanong ko. "Oh... Gio's Mom passed away when he was still little." aniya at tumuon muli sa ice cream.
Agad akong nalungkot para kay Gio...
"Sad, right?" ani Jack. "My Mom can really be annoying sometimes, or most of the times, but I can say I might can't live without my mother." Nagkibit balikat siya.
Unti unti naman akong napangiti sa sinabi ni Jack.
Kinabukasan nang nagising ako ay si Gio agad ang una kong hinanap. Kinatok ko siya sa kuwarto niya pero walang sumasagot. Hindi naka-lock ang pinto niya kaya pumasok na ako. Naabutan ko siyang nakadapa na natutulog sa malaki niyang kama.
Wala siyang suot na shirt kaya kita ko ang hubad niyang likod. Parang may bigla akong naalalang pamilyar...pero agad ko rin inalis iyon sa isipan ko.
Natutulog pa siya at mukhang puyat. Hindi ko na muna siya ginising. Maingat nalang akong lumabas muli ng kuwarto niya.
Nagtungo ako sa kusina para ipaghanda at ipagluto siya ng breakfast. Hindi umuwi rito kagabi sila Daniel at Felix. Si Jack naman ay baka nasa kuwarto pa rin niya at natutulog pa gaya ni Gio.
Usual na breakfast lang naman ang niluto ko. Pagkatapos ay nagpasya na akong tawagin at gisingin si Gio. Nakababa na rin si Jack na bagong gising. "I can smell breakfast." aniya.
"Ready na ang breakfast."
"Thanks, Gi."
Tumuloy na ako sa pag-akyat at diretso sa kuwarto ni Gio. Sinubukan kong kumatok at pinagbuksan naman niya ako. Gising na siya. Binati ko siya ng ngiti. "Good morning!"
"Good morning." bati rin niya.
"May breakfast na sa baba. Kain na tayo?" aya ko.
Tumango siya. "Give me a minute."
Tumango rin ako at nauna nang bumalik sa dining area kung saan naroon na rin si Jack. Sumunod na rin si Gio.
Marahan akong umupo sa tabi ni Gio isang gabi. Nasa balkonahe kami ng ikalawang palapag ng bahay. Parehong tumingala sa langit. Nanatili roon ang mga mata ni Gio habang bumaling naman ako sa kaniya. "Okay ka lang?" tanong ko. Dito na siya dumiretso pagkatapos namin dalawang maglinis na naman ng magkasama ng kusina.
"When people dies...do they really become one of the stars?" tanong niyang nakatingala pa rin.
"Naalala mo ang Mama mo?" marahan kong tanong.
Marahan din ang pagtango niya at bumaling na sa akin. "We were at the hospital. She had cancer. On her last days, she told me that I just have to look up at the skies if I miss her because she will be there. She said she will be joining the bright stars in the heavens..."
"Na-miss mo siguro ang Mama mo kaya ka nandito."
"Hmm." tumango siya. "I miss her every day. She's the best."
Napangiti ako kahit may kalungkutan na rin. "Sigurado akong kung nasaan man ang Mama mo ngayon ay binabantayan ka niya palagi."
Tumango siya. "I love her so much."
"Mahal ka rin niya." Wala naman sigurong ina na hindi mahal ang anak nila.
Tumango lang muli si Gio. "My Mom used to bake me a cake on my birthday. She would bake me my favorite chocolate cookies, too. She would cook all my favorite. Read me a bedtime story until I fall asleep. She would sing me a lullaby, too. She would hug and kiss me often and would always remind me that she loves me."
Natahimik kami pareho ng ilang sandali.
"Gusto mo ipag-bake din kita?" tinanong ko siya makaraan. "Kung okay lang sa 'yo,"
"You will do that?" baling niya sa 'kin.
Tumango ako. "Oo naman. Susubukan kong gawan ka ng masarap na cookies. Siguradong hindi kasing galing ng gawa ng Mama mo, iba pa rin 'yon. Pero igagawa pa rin kita."
May ngiti na sa mga labi niya. Napangiti rin ako.
"Thanks," aniya.
"Hey, Gi! What are you doing?" naabutan ako ni Jack na abala sa kusina.
Saglit ko siyang binalingan. "Jack, nandiyan ka na pala. Gumagawa ako ng cookies."
"Wow! Nice!" lumapit siya para tingnan ang ginagawa kong mixture.
"Pero para kay Gio ito." sabi ko na may halong biro.
Sinulyapan ko siya at naabutan ang pagnguso niya. Napangisi nalang ako. "Siyempre meron din para sa inyo." bawi ko.
Ngumiti na si Jack at tinikman pa ang ginagawa ko. "Okay na kaya?" tanong ko.
Tumango tango naman siya. Napangiti ako.
Maagang nakauwi si Gio kaya agad ko nang pinatikim sa kaniya ang gawa kong cookies. At nagustuhan naman niya iyon. Hinintay ko pa talaga ang reaksiyon niya. At mukhang okay naman.
"Thank you for this." aniya, tinutukoy ang cookie sa kamay niya.
Nakangiti lang akong tumango.
Pinaalala niya rin sa 'kin ang susunod na appointment namin sa doctor. Tapos na ang exams ko kaya medyo mas nakahinga na ako ngayon. Hindi rin naman madalas sumama ang pakiramdam ko. Kaya namamanage ko lang kapag nasa eskwela ako at minsan maraming ginagawa.
"It's my Mom's death anniversary." ani Gio.
"Ganoon ba. Puwede tayong dumalaw pagkatapos natin sa doktor?" tanong ko.
Nagkatinginan kami. Ngumiti si Gio. Nahawa rin ako sa ngiti niya. Madalas na ang mga ngiti niya ngayon. Mas nagkakaroon ng buhay ang magaganda niyang mga mata na parang tulad sa kulay ng honey.
Iyon nga ang nangyari. Hindi ko pa rin pinapasama sa loob si Gio. Hindi pa rin ako kumportable. Kaya sa labas lang siya naghihintay. Pagkatapos ng check-up ay pinuntahan na namin ang Mommy niya.
May dala kaming mga bulaklak. Nakita ko na sa picture ang mukha ng Mommy niya. Pinakita sa akin ni Gio. At masasabi kong nagmana siya sa Mama niya. Pareho sila ng mga mata, ilong at labi. Mukhang mabait din ang Mommy niya kahit sa picture lang tingnan. Alam kong kahit sandali lang silang nagkasama ay naging mabuting ina ang Mommy ni Gio sa kaniya.
Nasa harap na kami ng puntod ng Mommy ni Gio. Lumuhod doon si Gio at maagap naman akong sumunod. Nilapag namin doon ang fresh flowers na binili para sa Mommy niya.
"Mom, I'm not alone now. This is Giselle." pakilala niya sa akin.
Ngumiti naman ako. Ang sabi sa akin ni Gio madalas daw palagi lang siyang mag-isa sa pagdalaw sa Mommy niya dahil laging parehong busy ang kapatid at Daddy niya.
"Hello, po. Kaibigan po pala ako ng anak ninyo. Mabait po si Gio. Tinutulungan po niya ako. At pinapatira pa sa bahay niya." sabi ko.
"Pasensya na po kayo, ah. Nakakaabala na ako sa anak ninyo-"
"That's not true." putol sa akin ni Gio.
Ngumiti lang ako sa kaniya.
Nanatili pa kami roon hanggang sa nagpasya nang umuwi.
Tingin ko ay naging malapit na kami ni Gio sa isa't isa.