SUMASAKIT na ang lalamunan ni Jhen sa kakasigaw habang umiiri pero ayaw pa ring lumabas ng sanggol. Inis na inis siya kay Leandro dahil hindi pa niya nakikita ang bulto nito. Si Dario at Martina lang ang kasama niya na nag-aasikaso sa kanya. Naroon sila sa personalize clinic ng mansiyon at nakahiga sa kama. “Hinihintay pa atang dumating si daddy bago lalabas si baby,” narinig niyang sabi ni Martina. Sinusunod nito ng punas ang butil-butil na pawis sa mukha niya. “Nasaan na ba kasi ang leon na iyon?” sabi naman ni Dario. Naiinis na rin ito. Mamaya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Leandro. Natatarantang lumapit ito sa kanya. Akmang hahawakan siya nito pero sa inis niya’y sinuntok niya ang pisngi nito. “Aray! Bakit?” daing nito. “Ang tagal mo! Ikaw ang umiri rito!” asik niya.