“WHAT are you doing here?” masungit na tanong ni Leandro kay Jhen. Bumuntong-hininga si Jhen bago tuluyang pumasok. “Gusto kitang makita,” sarkastikang sagot niya. “Bakit, hindi ba puwede?” Napamata siya nang biglang baliin ng isang kamay ni Leandro ang lapis. “Kung tungkol lang naman sa anniversary party at bunos, makakaalis ka na. Hindi ako interesado sa ganoong usapin,” anito. Awtomatikong uminit ang bunbunan niya. But she need to control her temper. Siya ang may kailangan dito kaya dapat siyang magpakumbaba. “Pero nakagawian na naming gawin ang party. Kahit wala nang bunos,” aniya. “Iba na ang management ngayon, kaya huwag na silang umasa na mangyayari ang inaasahan nilang annual party. Magbibigay ako ng bunos sa susunod na sahod nila, pero wala nang party.” “No! Mas importante