Sash’s pov: I-Ikaka— ikakasal!? ... ... … Ewan... pero... parang... huminto ang oras. Ang buong paligid. Tila… wala akong marinig. Napatanga ko sa sinabi nya. Ni hindi ako kumurap pero... marahang gumuhit ang mga luha sa magkabila kong mata. H-hindi... Hindi ito totoo! A-Aizen— … “S-Sashna,” sambit ni Dylan sa pangalan ko. Napatakip ako ng aking bibig para pigilan ang paghikbi at mahigpit kong itinikom ang aking mga labi. Tila nanghina ang mga tuhod ko at nanlambot ang aking katawan. Unti-unti akong napaupo habang tulala pa rin ang aking mga mata. K-kasinungalingan… kasinungalingan lamang ang lahat! … "Sashna!" muling tawag ni Dylan at nilapitan nya na ako. Hahawakan nya sana ako sa aking balikat ngunit kaagad kong tinapik ang kanyang kamay na kanyang ikinagulat. “Sashn—"