Callix's pov: Matapos ang pag-uusap namin ni Aizen kahapon ay hindi pa sya nagpapakita sa akin. Ang baliw na ‘yon… mukhang hinahanap mag-isa si Dylan! Bakit ba ayaw nyang magpatulong sa akin!? Minamaliit nya ba ang kakayahan ko? Hmn! Napatitig ako sa notebook na nasa harap ko. Dito ko sinusulat ang lahat ng datus at ang mga gabay sa kung paano ko bubuuin ang microchip. Pero... mayroon pa talaga akong isang problema, hindi ko alam kung gagana!!! Tsk! I need more books for encoding and some more ideas to create this! Nagpalingon-lingon ako sa kwarto ni Dylan, marami-rami rin naman syang libro pero... mukhang tungkol sa mga panitikan at kasaysayan! Anak ng—!!! Nakakaantok ang mga binabasa nya!!! Pft! Tumayo ako at kinuha ang suit na nakapatong sa sandalan ng swivel chair na inuupuan k