Dylan’s pov: "T-Talaga!? Talaga ba!?" hindi makapaniwalang tanong ni Aeb. Tumango lang ng kaunti si Brahma sa kanya bilang tugon. "Sa ngayon, tapos na ang misyon nyo at ang grupong ito ay mabubuwag ngunit ang mga napag-usapan sa pagitan ng bawat isa ay dapat na manatiling sikreto kung hindi ay siguradong papatangan naming kayo ng kaukulang kaparusahan. Nais naming ipaalam sa inyo na kami ay lubos na nagtitiwala sa inyo, kaya sana ay huwag niyo kaming biguin ulit. Kami ni Prime ay lubos na nagpapasalamat sa inyong naging kooperasyon!" dagdag ni Brahma. "Pwede bang magtanong!?" biglang sabi ni Aira sabay paputok ng gum. Napasulyap kami sa kanya. "Napapaisip ako... kung bakit kinuha ng Ares si Dylan at Zurie!?" pag-usisa nya. Hmn? Sandaling hindi nakapagsalita si Brahma. Sumulyap ito

