Callix’s pov: Ilang metro din ang layo ng van sa Ares’ base at habang tinatakbo nila Aizen ang kakahuyan patungo sa tarangkahan ng Ares… tulad ng plano... ako ang maglilinis ng kanilang daan! Since I’m a long-range shooter, I need to clear their way out! Ang perpektong lugar para sa akin ay ang pinakamataas na lugar kung saan abot tanaw ko ang dadaanan nila papasok at paglabas! Lumingon-lingon ako paitaas... at nakita ko ang malaking tangke ng tubig na maaaring sumusupply sa buong base ng Ares. Ito na siguro ‘yong sinasabi ni Aizen! Mas mataas ito sa Ares Base at ito'y nakapwesto sa kaliwang bahagi sa bandang harapan ng tarangkahan. Sa tancha ko ay mga pitumpong metro ang layo nito hanggang sa gate at tatlumpo mula sa aming van... Tamang-tama lamang! Agad ko itong tinungo at inakyat

