Aizen's pov: Bumalik na kami ni Callix sa lumang bahay nila Brahma. Isinama namin ang mga bata doon upang masiguro na rin ang kaligtasan nila. Sigurado ako… sigurado akong isang bangungot para sa kanila ang lahat, lalo na ang pagkawala ni lola. Naikuyom ko na lamang ang mga kamao ko habang iniisip ang mga nangyari. Nahuli ako ng dating! Akala ko… akala ko matatapos na ang kaguluhan at magiging maayos na ang lahat… pero nagkamali ako, hindi pa pala! Pinatay nila si lola… at kinuha si Sashna! Hinding-hindi ko ito mapapalampas!!! … “K-kuya!” mahinang tawag ni Clarence sa akin matapos namin silang ihiga sa kama. Si Clarrise ay mahimbing pa din ang pagkakatulog na tila ba ayaw ng gumising dahil sa takot, kabaliktaran naman ni Clarence na tila ayaw matulog dahil iniisip nya

