Sashna’s pov: “Huh!!!” angil ko nang bigla na lang akong sugurin ng isa sa mga lalaking dumating sa bahay. Susutukin nya sana ako ngunit nasalag ko ang kanyang kamao gamit ang aking braso. Gamit ang isa ko pang kamay, mabilis kong dinampot ang plorera na nasa aking tabi na nakapatong sa mesa at ubod ng lakas kong inihampas sa kanyang mukha. “AHHH!!!” hiyaw nya at napaatras sya sa sobrang skait at tila nahilo. Isang lalaki pa ang agad na nagbuhat ng bangko para ihampas sa akin. Nang ihahampas nya na ito sa akin ay umatras ako at isinara ang pinto. Rinig na rinig ko ang pagkawasak ng upuan sa sobrang lakas ng pagtama sa pinto. Kinuha ko ang nakasandal na panungkit ng sinampay ni lola sa gilid at muli kong binuksan ang pinto. Nang makita kong naroroon pa ang lalaki ay iinihampas ko iyon n

