Callix's pov: Ilang oras na din akong nakaupo at inaanalisa ang ginawang microchip ng aking ama. Sumasakit na ang ulo ko dahil napakakumplikado ng mga detalye. Haayyy! ... "Kanina ka pa!?" bigla na lang may nagsalita. Hmmn... si Aizen! Naririto na pala ang kumag! Tang *na, anong oras na! "Ano sa tingin mo!?" pabalang kong sagot habang nagsusulat sa isang papel na nakuha ko sa kabinet ni Dylan. Ngumisi naman siya habang naglalakad papunta sa kama ni Dylan. Naupo siya sa gilid no’n at saka nagbunatong-hininga na tila ba napagod. Ano naman kayang ginawa ng baliw na ‘to? "Si Dylan!?" tanong nya ulit kaya napasulyap ako sa kanya ng matalim. Istorbo! "Kayong dalawa ang magkasama, hindi ba!? Tapos sa akin mo sya hahanapin!? Tch!" iritable kong sagot sa kanya. "Hmn!? Wala pa sya!? Saan p