~(AIZEN SANTOS POV) "Hindi mo naman kailangang maging bayolente," sabi ko habang marahang dinadampian ng bulak ang galos sa gilid ng mata nito. Bumuntong hininga ako. "Hayaan mo na si Kevin... just don't listen to him." Naningkit ang mga mata nito. "Why would I?" Huminto ako sa ginagawa and looked into his eyes, "Nakaganti na ako sa kanya and that's enough. He will never have me again at sapat na 'yon para sa panloloko niya." "That's it?" Kumuha ako ng panibagong bulak na may alcohol at pinahid iyon sa sugat sa gilid ng labi niya. Dumaing ito kaya naman mas iningatan ko ang pagdampi doon. "Sa totoo lang no'ng umpisa, gusto kong makita niya na kayang kaya ko siyang palitan but I've realized that it's an immature way of dealing with my pain. Now, I just wanna pray for him na sana masay