~(AIZEN SANTOS POV) Kahit papaano ay affected ito sa naging punishment niya. Tama ngang hindi ko hinayaang maulit ang nangyari sa couch pero nakuha naman ako nitong ihatid kuno sa opisina ko. He really could find ways. "Ma'am, mukhang medyo harsh ang meeting niyo ngayon ni Mr. Sandoval ah?" Wala sa loob na tinignan ko ang titingnan nito. Nasira ng magaling na Sandoval ang butones sa gawing dibdib ko. Kahit na alam kong alam naman ni Alex ang nangyayari sa loob ng opisna ko ay hindi pa rin maiwasang mag-init ng mga pisngi ko. Umupo ito sa silya sa harap ng mesa ko. "Ma'am, alam niyo po, I'm so happy for you. Iba po talaga pag masaya ka inside, naggo-glow ka outside." Hindi ko maiwasang mapangiti. "Ewan ko sa 'yo." "Para po kayong bagong bukadkad na bulaklak, mukhang fresh na fresh,