~(AIZEN SANTOS POV) Hindi ko na tinanong kung saan kami pupunta. Hindi na rin mabilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan at mukhang hindi na rin ganoon kainit ang ulo niya. Ilang minuto na rin kaming hindi umiimik. "Ano sa tingin mo ang pwedeng iregalo sa mom and dad mo?" basag ko sa katahimikan. Gusto kong kalimutan kahit pansamantala ang kirot sa dibdib ko. Ayokong maalala pa si Kevin. Hindi ngayon. "They can buy all things they want." "Pero iba pa rin kapag galing sa ibang tao o sa espesyal na tao, may sentimental value." "Don't bother." Hindi na ako kumibo pa. Pansin ko naman na hindi sila close ng parents niya. Baka ayaw niya ring pag-usapan ang mga ito. I wanted to respect that. Hindi ko maiwasang bumusangot sa kung anong bagay na nasa isip ko. Ganu'n din kaya siya? Hindi kail