Nagkita nga kami ni Terra hapon na sa kanilang bahay. Maaga itong umuwi at alam kong sobrang nag-aalala siya sa akin.
"Kumusta ang buong maghapon mo?" Agad na tanong niya nang makapasok na ito sa kanilang sala na kinaroroonan ko.
Kadarating ko lamang din dahil naghanap talaga ako ng mauupahang bahay. Kaya ko pa namang bayaran hanggang sa makahanap ako ng bagong trabaho.
"Okay lang, ikaw?" Masigla kong tanong.
Hindi ko ipinahalata ang aking kalungkutan ayokong pati si Terra ay mamoblema na naman sa akin.
"Don't worry okay lang din ako. Ano, may nahanap ka na bang bagong trabaho?" sabi sa akin ni Terra.
Alanganin ang aking ngiti dahil wala akong nahanap buong maghapon. Halos lahat walang bakante at ang iba naman naghahanap ng experience.
"Aga niyong dumating ngayon ah!" Bungad naman ng asawa ni Terra kasama ang dalawa nilang anak.
Malapit kasi si Jude sa school ng mga bata kaya ito ang sumusundo kapag nakalabas na ito sa kanyang trabaho.
"Oo mahal, tinanggal kasi nila si Phine sa aming trabaho. Dahil doon sa epal niyang Tiyahin, kung ano-ano na ang sinabi sa manager namin porke magkaiba sila." Sagot ni Terra sa kanyang asawa.
Agad namang inasikaso ni Terra ang kanyang nga mga anak maging ang asawa nito. Masayang pinagmamasdan ni Phine ang mag-asawa dahil magkasunod talaga ang dalawa. Kaya siguro maalwan ang kanilang buhay kasama ang dalawa nilang mga supling. Hindi kagaya ng kanyang pamilya sa probinsiya napakagulo maging ang kanyang mga kamag-anak.
"May nahanap ka na bang ibang trabaho?" tanong ni Jude sa akin ng makabihis na ito nang pambahay.
"Wala pa nga eh! Naghanap na ako buong maghapon, upahang bahay ang nahanap ko." Kimi kong sagot.
"Mangungupahan ka?" Sabat naman ni Terra sa amin.
Marahan akong tumango.
"Bakit?" Muling tanong ni Terra.
"Nahihiya kasi ako sa inyo lalo ngayon wala na akong trabaho." Sagot ko.
Ngumiti naman sa akon si Terra at tinapik niya ako sa aking balikat.
"Okay lang ano ka ba? Saka na lang sana kapag may bago ka ng trabaho sayang 'yong pinang- downpayment mo kaya!" Giit ni Terra.
"Naalala ko naghahanap pala ang kumpanya namin ng dalawang janitor. Puwede kitang irekomenda, sandali at tawagan ko ang head namin!" Masiglang sabi ni Jude.
Parang biglang nabuhayan ako ng loob sa sinabi ng asawa ni Terra. Nagkatinginan kaming magkaibigan at saka nagkangitian.
"Salamat talaga sa inyo Terra! Sana matanggap ako," maluha-luha kong sabi at napayakap ako sa aking kaibigan.
"Walang ano man Phine! Sana nga para makaipon ka na nang husto para sa kinabukasan mo." Haplos pa ni Terra sa aking likod.
Tumango akong masaya hindi lang sarili ko ang gusto kong maiangat. Gusto ko ding makapagtapos ang dalawa kong kapatid sa Ina ng kanilang pag-aaral. Ilang sandali ding nawala si Jude dahil lumabas ito ng kanilang bahay para tawagan ang kanilang head. Pagbalik nito ay kay lawak na nang ngiti sa amin ni Terra.
"Anong sabi ng head niyo?" Atat na tanong ni Terra sa kanyang asawa.
"Good news, Phine! Bukas dalhin mo na ang resume mo at ibigay natin sa head namin. Urgent daw kasi kaya baka bukas din ay magsimula ka na!" Masayang balita sa amin ni Jude.
Masaya kaming nagkatinginan ni Terra at sabay pang tumili dahil sa kagalakan. Naluha ako dahil ito ang isa pa sa ipinagdadasal ko kanina sa loob ng simbahan.
"Ngayon pa lang congratulations na Phine! Tiisin mo lang ang ugali ng inyong boss na masungit at istrikto!" Masayang sabi sa akin ni Terra.
Napatingin naman ako kay Jude para kumpirmahin ang sinabi ng aking kaibigan.
"Totoong istikto siya Phine pero sa mga suwail lang. Sa aming mga masunurin ay okay naman saka hindi namin siya araw-araw na nakakasalamuha. Parati lang siya sa kanyang opisina minsan nga doon din siya natutulog." Paliwanag naman ni Jude.
Napatango-tango ako.
"Okay lang din sa akin ang mahalagang may trabaho ako." Sagot ko.
"Tama! Saka tungkulin natin kasing linisin ang buong kumpanya kaya bawal magreklamo talaga!" Natatawang turan ni Jude.
"Kung sabagay naman," tugon ni Terra at muli kaming nagkangitian.
Kapagkuwan ay masaya na kaming naghapunan lahat. Bumalik din ang gana kong kumain at punong-puno nang pag-asa ang aking puso sa gabing iyon. Hindi pa man ay nagpasalamat na ako kay Lord sa panibagong blessings na ibinigay niya sa akin. At ipinangako ko sa aking sarili na pagbubutihin ko ang aking trabaho kapag natanggap na ako. Para naman hindi sayang at hindi nakakahiya sa mag-asawa na palaging tumutulong sa akin.
Kinabukasan.
Maaga kaming gumayak ni Jude para maaga kaming makarating sa kumpanya at baka maunahan pa siya ng iba. Si Terra naman na ang maghahatid sa mga bata ngayong araw. Masaya akong nagpalaam sa aking kaibigan at lumarga na kami ni Jude. Bale thirty minutes ang biyahe nila hanggang sa kumpanya. Nang makarating na kami ay nalula ako sa laki ng building na iyon. Ang gara, para lang nasa ibang bansa ka sa laki at taas ng building.
"Grabe pala ang building na pinapauskan mo Jude! Kaya pala ganado kang pumapasok palagi." Bulalas kong humahanga pa rin.
Natawa naman si Jude sa akin.
"Hindi lang ito ang kumpanya ng ating boss. Isa kasi silang bilyonaryo kaya ayokong bitawan ang trabaho kong ito. Kahit na istrikto at malamig siyang boss malaki naman siyang magpa-bonus basta masunurin ka lang." Sagot sa akin ni Jude.
Namilog naman ang aking mga mata sa aking nalaman tungkol sa aming boss. Bigla tuloy akong atat na makilala siya at makita nang personal.
"Siguro kasala na siya at marami nang mga anak ano?" Nasabi ko.
Mas lalong natawa sa akin si Jude.
"Binata pa siya at napakapihikan daw pagdating sa mga babae. May nag- aasta nga siyang girlfriend niya pero mukha namang ayaw sa kanya ni boss." Bulong niya sa akin.
Nagtaka naman ako at kanina ay malakas lang ang boses ni Jude ngayon ay pabulong na lang.
"Bawal kasi ang tsismisan dito sa loob lalo na kapag working hours." Muling bulong ni Jude.
Nakuha ko naman ang pinupunto ni Jude kaya natawa na din ako at tumango na lang. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa office ng head ng mga janitor at janitress. Agad kaming bumati sabay abot ni Jude sa resume ko. Agad namang pinasadahan ng head nang tingin ang akong resume saka ito tumingin sa akin.
"Kaano- ano mo siya Jude?" tanong ng head pero sa akin nakatingin pagkatapos pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Kamag-anak ng asawa ko Sir. Bagong salta dito sa Manila." Sagot ni Jude.
"Mukha namang hindi siya bagay bilang janitress sa ganda niyang 'yan!" Sabi ng head.
Ngumiti ako.
"Maganda lang po ako pero sanay po akong magbanat ng buto. Masipag po ako alam niyo na po ang mga taga-probinsya!" Buong lakas kong sinabi.
Muli pa akong pinagmasdan ng kanilang head saka niya tinitigan ang aking mukha.
"Alam mo ang bawal dito, ang maging maganda tamad at nagpapansin kay boss. Ayaw niya na ang isang empleyado niya magpapakita ng ibang motibo sa kanya. Kapag ginawa mo iyon, ligwak ka kaagad." Masungit nitong sabi.
Medyo nawalan na ako ng pag- asa pero naroon na siya kaya gagawin na lang niya ang lahat para matanggpa siya doon.
"Pangako po hindi ko gagawin 'yan at magpapangit po ako para hindi ako maging maganda sa paningin ninyo!" Sabi ko.
"Iyan na ba ang look mo kapaga nakaayos ka? O, may igaganda ka pa? Baka kasi pag-initan ka ni Ma'am Irish ayaw no'n ng maganda." Giit pa nito.
Tumingin ako kay Jude. Nagpapasaklolo ako dahil nawawalan na ako ng pag- asa.
"Hindi naman siya aakyat sa third floor para maglinis boss. I-assign niyo na lang siya sa ibang floor o diyan sa ground floor mismo. Tiyak naman akong hindi siya mapapansin ni Ma'am Irish!" Si Jude na ang sumagot.
Huminga muna nang malalim ang head saka ako muling tiningnan.
"Siya sige! Dahil kay Jude na maganda ang record tatanggapin kita. Jude, ikaw na ang magsabi ng kanyang mga dapat gawin at hindi. Ako nga pala si Henry Paras ang head niyo. Puwede ka ang magsimula ngayon depende sa gusto mo," saad nito.
Anong saya ang naramdaman ko sa mga oras na iyon at matamis kong nginitian si Sir Henry.
"Magsisimula na po ako ngayon din ganoon po ako kasipag!" Taas noo kong sagot.
Napangiti naman si Jude sa akin at pinalakpakan ako.
"Maabot si Boss, ganyan lang siya mag- interview parang cold lang. Siyempre testing lang nila sa mga aplikante kung hanggang saan ang kanilang paninindigan. Halika na sa locker room mo may uniform ka na doon at tandaan mo kung anong number ng locker room mo ha? Simple lang naman dito focus sa trabaho less sa tsismis at huwag mong pakialaman ang paligid mo." Mahabang salaysay ni Jude sa akin.
"Copy at salamat!" Masaya kong sagot.
Sa wakas ay ngumiti na din sa akin si Sir Henry saka niya ako kinamayan.
"Nawa'y magtagal ka dito at huwag magpa- apekto sa kagwapuhan ng ating boss. Matatanggal ka talaga dito nang wala sa oras kagaya ng ibang sumubok!" Bilin sa akin ni Sir Henry.
"Huwag po kayong mag- aalala Sir, marami na akong nakitang guwapo pero ni isa kanila wala po akong natipuhan. Ang gusto ko sa lalaki pangit pero mahal akong tunay," sagot ko.
Bigla na lang humagalpak nang tawa si Sir Henry sa akin.
"Sa ganda mong 'yan Hija papatol ka sa pangit? Aba, sinasayang mo lang ang iyong kagandahan puwede naman sa guwapo huwag lang si boss natin." Turan nito.
Pati nga si Jude ay natawa sa akin.
"Alam ko po kung saan ako nababagay kaya hindi po ako papatol sa ating boss Sir." Bawi ko naman.
"Tama mabuti naman at alam mo. Mas mabuti na 'yong alam mo kaysa ma- attemp ka sa karisma niya. O, Jude samahan mo na siya!" Tugon ni Sir Henry.
Niyakag naman na ako ni Jude papunta sa locker room. At may uniform na nga ako doon kulay pink iyon at White na shoes. Pagkatapos ay iniabot sa akin ni Jude ang aking companies ID. Nagulat ako sa bilis ng gawa nila doon hindi ko sukat akalaing may ganoon na ako agad.
"Sa ground floor kung saan ako nag- time in doon ka din sa araw-araw. Time in at time out tapos ang pirma mo mahalaga iyon ha?"bilin sa akin ni Jude.
Masaya akong tumango.
"At dahil bago pa lamang ay sa team ko ikaw sasama. Bale ang lilinisan natin ay second floor, fourth at fifth floor. Bawal ka pa sa third floor naroon kasi ang dalawa nating amo, sina Sir Zai at Ma'am Irish. Isang cold at istrikto at isang maarte, masungit at assumerang girlfriend ni Sir Zai." Pilyong ngiti ni Jude.
Nakabungisngis naman ako at agad ding tumigil baka may makakita sa amin.
"Tadtad ng cctv dito sa buong building kaya lahat ay nakikita ng surveillance team. Pero masasanay ka din at matutuklasan mo ang area kung saan walang cctv." Makahulugang turan ni Jude.
Napakunot-noo naman ako at napaisip.
"Sa cr?" tanong ko.
"Meron sa cr doon sa washing area pero sa loob na ng toilet wala na. Puwede kang magpahinga doon kung sakali." Sagot ni Jude.
Napatango-tango ako. Sabagay mabilis ang aking mga mata siguro naman ay madali kong lang matandaan kung saan- saan ang mga cctv. At kung saan konti lang ang cctv para naman kahit papaano ay makapagpahinga ako kahit saglit lang.
"Hanep. Janitress ka na bumagay pa sa'yo ang uniform mo." Bulalas ni Jude nang makapagpalit na ako.
Natawa naman ako sa sinabi ni Jude. Alam kong biro lang niya iyon at walang halong malisya.
"Hindi naman ikaw ah!" Ani ko.
"Tama lang na hindi tayo maglilinis sa third floor baka mapansin ka ni Ma'am Irish mas maganda ka pa naman doon. At kapag makaksalubong mo siya yumuko.ka kaagad para hindi niya makita ang maganda mong mukha." Saad pa ni Jude.
"Naiintindihan ko at alam ko na ang aking gagawin," sagot ko naman.
"Kung ganoon ay tayo na at magta-trabaho." Yaya na sa akin ni Jude.
Tumango ako at sumunod na ako sa kanya. Nagtungo kami sa storage room para kunin na namin ang aming mga kagamitan sa paglilinis. Magaan ang aking pakiramdam na magtrabaho sa unang araw ko. Alam kong hindi basta-basta na trabaho ang aking napasukan pero pagtiyagaan ko na dahil malaki naman ang akong sahod. Kumpara doon sa sahod ko bilang cashier sa Mall na dating work namin ni Terra. Mas makakaipon ako at mas matutulungan ko ang aking mga kapatid sa aming probinsiya.