Kabanata 159 KINABUKASAN nang magdilat siya ay nasa tabi niya na si Laurenzo. Nakatitig lamang ito sa kanya habang nakangiti. "Good morning, Cia," bati sa kanya ni Laurenzo. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at niyakap ito. Bumalik na naman kasi ito at masaya siya dahil doon. "Did you miss me?" "Palagi naman iyon," sagot niya habang nakasiksik sa mga bisig nito. Laurenzo hugs her tightly. "Hindi ka ba binigyan ng sakit ng ulo ni Renzo?" "Hindi naman. Tolerable naman ang pagiging masungit niya." "Good to hear that. Does your parents noticed something weird?" "Wala naman silang napansin. Madali niya rin namang nakasundo ang mga kapatid ko." "He's learning and adjusting. Don't lose hope on him." "Hindi talaga, promise," nakangiti niyang ani. Bigla namang may kumatok sa pin