Kabanata 121 Pagkatapos nilang kumain ay agad din naman silang pumasok ni Laurenzo sa trabaho. Ngunit hindi pa man sila nakaka-park ay marami nang reporters ang nakaabang sa labas ng pagmamay-ari nitong building. Narinig niyang bumuntong-hininga si Laurenzo. "Dahil ito roon sa statement na inilabas mo sa magazine, 'di ba?" "Yeah. Don't worry Cia, hindi naman nila alam ang totoo kong itsura." "Paano kung may mag-leak niyon?" "Then so be it. The important is, I'm done with Danica." Kinuha nito ang cellphone at mukhang tinatawagan nito si Jigs. "Jigs, how's the office? I'm here on the way to the parking lot." "Everything is under control. Don't worry. They don't know your face," narinig niyang sagot naman ni Jigs sa kabilang linya. "Okay. I'll be heading now." Pagkatapos ni