Kabanata 83 "Kayo na talaga ang mayaman," nasabi niya na lamang. Laurenzo just smile at her. Napatigil naman siya sa pagkain nang may emcee na sa gitna ng stage. Mukhang magsisimula na ang party at super excited ang lahat, maliban sa kanya. Paano kung may biglang lumapit tapos tanungin siya nang kung ano-ano? Ano na lang ang isasagot niya sa mga iyon? Nganga! Hindi pa naman siya marunong makipag- socialize. Napainom siya ng wine nang biglang may lumapit sa table nila ni Laurenzo. "Hi! Mr. Del Fuego, can I have your autograph, please? I'm a big fan of yours when it comes of entrepreneurship," anang may edad na babae. "Sure," sagot naman ni Laurenzo at naglabas ito ng pen. Pinirmahan niya ang dalang journal niyong may edad na babae. "Thank you so much Mr. Del Fuego, have a good nig