Kabanata 129 NANG magising siya ay puro puti agad ang naaaninag niya. Napakurap pa siya ng ilang beses. Hindi pala puro puti ang nakikita niya dahil decorative ceiling ang tuluyang tumambad sa kanya. May malaki pang chandelier sa gitna. Dahan-dahan siyang gumalaw. Doon niya naramdaman ang konting kirot sa kanyang kaliwang balikat. Dahan-dahan siyang bumangon. Laking pagtataka niya dahil nasa isang malaking kama siya. Queen size yata ito at hugis bilog pa. Nang usisahin niya ang kanyang damit ay nakasuot lamang siya ng night gown. May panty pa naman siya sa ilalim. Sa awa ng maykapal. Akala niya kasi ay wala. Manipis pa naman itong suot niya. Bakat na bakat pa nga ang kanyang n*****s. Muli niyang inilibot ang kanyang mga mata sa buong kuwarto. Sobrang gara kasi nito at parang out of