Kabanata 92 Lumayo siya ng konti at tinawagan sina Dhea at Berta pero naka-ilang dial na siya, hindi pa rin sumasagot ang mga ito kaya nag-text na lamang siya. Pagkatapos niyon ay binalikan niya si Merna. "Oh, ano? Natawagan mo ba?" "Hindi eh. Madalas kasing busy ang mga iyon. Laging may outing at laging nagkakasama ang dalawang iyon. Hindi mapaghiwalay." "Ganoon talaga kapag sobrang close niyo na sa isa't isa." "Close rin naman tayo." "Ganoon ka close?" nangungusap pa ang mga mata ni Merna. "Sa sobrang close, pati love life ko, alam mo na." Tinawanan naman siya ni Merna. "Nag-reply na ba sila?" Umiling naman siya. "Mamaya siguro, susubukan ko." Bigla namang may nag-doorbell. Napakunot siya ng kanyang noo. "Si sir Laurenzo iyan, baka may nakalimutan." "Hindi ko alam,"