Kabanata 147 Bigla namang nag-ring ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinuha sa kanyang bulsa. Nang tingnan niya ang caller ay si Jefferson lang pala ito. "Sagutin ko lang 'to." "Ma'am Lucia, where are you? I forgot to give you something." "Nasa locker ako, kasama ko si Merna. Saan ka ba? Ako na lang pupunta sa iyo." "No need ma'am. I'm on my way already." Sakto namang paglingon niya sa pinto ay bumukas naman ito at bumungad sa kanila si Jefferson. "Honey!" tuwang-tuwa namang bulalas ni Merna at agad na lumapit dito. Merna, kiss Jefferson at his left cheek. Tumayo siya at lumapit sa dalawa. "Akin na Jefferson para naman hindi ko kayo maistorbo. Baka manggigil ako rito kay Merna at mahila ko ang buhok nito." Napanguso naman si Merna. Si Jefferson naman ay biglang nahiy