Kabanata 103 Hanggang sa makauwi siya sa condo unit niya ay sige pa rin sa pagtunog ang kanyang cellphone. Kung hindi naman kanya, minsan ay lumilipat ito sa pagtawag kay Jefferson. Nagkatinginan pa silang dalawa habang hawak ni Jefferson ang cellphone nito. "Huwag mong sasagutin Jefferson. Hayaan mo siyang tumawag nang tumawag." "He'll be angry at me ma'am." Laglag naman ang kanyang mga balikat. "Sabihin mo sa akin tumawag. Ako kamo ang kulitin niya. Kahit buong magdamag pa." Pumasok na siya sa loob at padabog na iniitsa ang gamit niya sa sofa. Tinungo niya ang kusina at nagluto siya ng agahan. Pagkatapos ng ilang minuto na paghahanda ay nagsimula na siyang maghanda sa mesa. Agad din naman siyang umupo at hinubad ang kanyang suot na uniform. Ang tanging naiwan niyang suot a