Kabanata 148 "INOM pa Merna! Ano ba iyan! Niyaya mo ako maglasing tapos mauuna ka pang matutulog sa akin! Ang pangit mo ka-bonding!" ani Lucia. Masakit na rin ang ulo niya, dala marahil sa marami siyang ininom. "Ma'am Lucia, umuwi na po tayo." "Ayoko pa umuwi. Hatid mo ako sa ibang bahay, puwede?" "Ma'am, wala po kayong ibang bahay," sagot naman ni Jefferson sa kanya. "Miss ko na si Laurenzo, saka si Renzo! Hatid mo nga ako sa bahay niya. Sige na Jefferson!" aniya habang niyuyugyog ang magkabilang balikat nito. "Ma'am, baka itaboy po tayo roon." "Hindi iyon uuwi! Sige na naman oh! Alam ko naman password niya! Sige na Jefferson. Pagbigyan mo na ako, kahit ngayon lang," aniya at parang batang nagmamaktol. Marahas namang napabuga ng hangin si Jefferson. "Sige po ma'am," sagot na