Kabanata 85 Tumayo siya at tumalikod dito. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag umiyak at magpadala sa kanyang emosyon. "Gusto ko nang umuwi," aniya. "Right, me too. I want to go home." Kinuha niya ang cellphone nito sa kanyang bag at ibinigay ito kay Renzo. Renzo then dialed a number on his phone. "Hello Jefferson? Could you pick us here? Just use a small boat." Pagkatapos niyon ay ibinaba na nito ang tawag kay Jefferson. Napatingin siya sa malawak na karagatan. Ang masayang tagpo kanina ay bigla na lamang napalitan ng pait. Naiinis siya sa ganitong sitwasyon. Nagiging biglang awkward ang lahat. Naiinis din siya sa kanyang sarili dahil sa tagal na ng mga araw, heto siya, wala pa ring lakas ng loob na kumprontahin ito at totohanin ang mga hakbang na gagawin niya. Lagi s