Kabanata 107 Naglakad na sila palabas ng mall. Hanggang sa marating nila ang parking lot. Nagawa pa siyang pagbuksan ni Renzo kahit na marami itong dala. "Ako na, ang dami niyan," presinta niya pa. "Just get inside Lucia," utos nito. Hindi naman na siya nakatanggi pa dahil marahan siya nitong itinulak papasok ng sasakyan. She wear her seatbelt. Inilagay naman ni Renzo ang mga pinamili niya sa likod ng sasakyan nito. Pagkatapos niyon ay agad din naman itong sumakay na sa driver's seat. "Seryoso ka ba talaga na tatabi ka sa akin?" tanong niya pa dahil baka iba ang isipin ni Merna kapag nalaman nito ito. "Yes. I said that already." "Baka naman magbago pa isip mo, 'di ba saka—" "Hindi kita gagalawin kahit na gusto ko pa." Natameme naman siyang sandali. "Hindi naman kasi iyon a