Kabanata 81 Nagpaluan silang dalawa ni Merna saka tumayo na para kumuha ng food tray. Pagkatapos niyon ay pumila na sila. Bigla namang dumating si Vina at sinadya pa talaga siya nitong banggain. Mabuti na lamang at mabilis ang naging pagkilos niya at hindi siya agad nawalan ng balanse. "Hoy! Ipokrita! Tumingin-tingin ka nga riyan sa dinadaanan mo!" sita ni Merna kay Vina. Inirapan lamang ito ni Vina at pagkatapos ay matalim siya nitong tinitigan. Napaikot na lamang siya ng kanyang mga mata at hindi na lamang pinansin ang kaartehan nito. Nang puno na ang kanyang food tray ay agad din naman siyang umuna sa pag-upo sa kanilang mesa. Sumunod din naman agad sa kanya si Merna. "Pst! Anong issue na naman ng babaeng iyon at inaaway ka na naman?" tanong agad ni Merna sa kanya. "Naghahanap na