Kabanata 66 NATAPOS din naman agad si Lucia sa pag-aayos ng kanyang sarili. Tiningnan niya pa muna saglit ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. Hindi naman siya mukhang kagagaling sa pag-iyak. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili na maglabas ng matinding emosyon. Kinuha niya na ang kanyang mga gamit at agad din naman na lumabas ng kanyang kuwarto. Naabutan niyang naghihintay na si Laurenzo sa kanya sa may sala. "Sasabay ka na ba sa akin papuntang trabaho?" "Yes. Jefferson is already waiting for us." Tumango lamang siya. Tumayo na si Laurenzo at umuna ito sa paglabas. "Wala ka na bang ibang nakalimutan?" tanong nito. Agad naman siyang umiling dahil wala naman na talaga siyang naiwan. "You forget this." Ipinakita nito sa kanya ang kanyang credit card, maging ang susi n