Hapon na ng sunduin s'ya ng asawa sa eskwala. Nakiusap pa s'yang dumaan muna sa Tragora mall, may bibilhin lang s'ya. Pumayag naman ang asawa at sinamahan s'ya sa mall. "I want to wear a new and nice dress. Haharap ako sa kapatid mo," sabi n'ya kay Liam. Habang naglalakad sa loob ng mall. "Kahit ano pa ang suot mo, kaya mong humarap kay Ate Asena. You are beautiful and sweet," sagot nito. At kinuha ang kamay n'ya. Nilagay sa braso nito. "Salamat," nakangiting pasalamat n'ya. Sabay ilig ng ulo sa balikat ng asawa. Pumasok sila sa kilalang boutique pampababae. Nais n'yang magsuot ng magandang dress para naman kahit kumplikado at talaga namang nakakakaba ang magaganap ay handa s'ya. Tinulungan naman s'ya ng asawa makapamili ng isusuot na dress. Bawat hawakan nga n'ya nais ng asawa na bil