Lumabas siya ng bahay ng Ate Asena niya na may malalim na ngiti sa mga labi. Kanina, kabado siya sa mangyayari bago pumasok ng bahay. Ngayon, okay na ang lahat. Wala naman pala talaga silang dapat ipag-alala simula pa lang. Masyado lang nilang inisip ang magiging kondisyon ng Ate Asena niya dahil buntis ito. Pero at least ngayon, maayos na ang lahat sa kanila. Wala na silang ililihim pa sa kapatid. Bago siya umalis kanina, marami pa silang napag-usapan ng kapatid. Medyo nagtampo pa ito sa kanya. Dahil parang hindi daw niya ito kilala. At natakot daw siya rito nang todo. Kilala naman niya ang kapatid. Mabait at talaga namang maasikaso sa kanya. Kaya natakot siyang saktan ito. Kaya niya nagawang maglihim. Sabi nga nito kanina, mahal na mahal siya nito. Kung ano ang kaya niyang isak

