~1950~ "Tulong!" sigaw ng isang babae mula sa kumpulan ng mga tao dahilan para matigilan at magtaka sina Python. Nag-alangan ang dalawa noong una ngunit kalaunan ay nagpasya rin lang silang makisiksik sa kumpulan ng mga tao upang makita ang nangyayari. “Oh my gosh,” sambit ni Eeya na siyang napatakip ng kaniyang bunganga nang makitang hawak ngayon sa leeg ng isang matandang lalaki ang isang dalaga. Walang magawa ang mga taong nagkumpulan dahil sa sandaling lumapit sila rito upang pakiusapan na bitawan ng matanda ang dalaga ay banta sa kanila nitong tutuluyan niyang itusok ang patalim na hawak niya malapit sa tagiliran ng dalaga. "Mang Felipe! Parangawa niyo na po, itigil niyo na ho ito!" sigaw ng isang binatang lalaki na dahilan para sabay na mapatingin sila Eeya sa kaniya. Ngunit