“Hindi ka ba talaga aamin kung saan naroon ngayon ang anak ko ha?” pasigaw ngang tanong ngayon ni Don Valentino kay Miguelito na siyang hawak-hawak nga ngayon ng mga gwardiya sibil at dahil nga sa mga natamo niyang galos mula sa halos magdamag na pagkakabugbog sa kaniya ng mga gwardiya sibil ay halos hirap na nga siya ngayon kung maghabol ng hininga. “H---hinding-hindi k-ko sasabihin sa inyo!” At kahit hirap na nga kung magsalita ay nagawa pa rin nga nitong sigawan ang Don na dahilan para senyasan nga ng Don ang mga gwardiya sibil na muli nga na naman siyang sinuntok sa tiyan na dahilan para maglabas na naman nga ng dugo ang kaniyang katawan mula sa kaniyang bunganga. “Hindi ka pa rin ba aamin ha?” tanong nga muli ng Don na hawak na nga ng mahigpit ang baba ng binata na ngayon unti-u