~Hulyo 18, 1890~ “Felimona, bakit gising ka pa?” tanong ni Santiago sa kaniyang kapatid na kasalukuyan ngang nasa asotea ngayon na siyang nakatingala nga sa madilim na kalangitan na siyang napapalibutan ng maraming bituin at mabilog na buwan. “Nais ko lang magpahangin at mapag-isip,” sagot nga ng dalaga na hindi man lang nga ibinaling ang tingin sa kaniyang kuya Santiago at patuloy pa rin ngang natitig sa kalangitan. “Nais mo lang mapag-isip o sadyang hindi ka lang na naman makatulog?” tanong nga ulit ni Santiago sa kaniyang nakakabatang kapatid. “Kuya, paano kung totoo ang ina na masamang tao nga ang ama?” seryosong tanong ni Felimona na ngayon ngay ibinaling ang tingin sa kaniyang kuya na siyang napakunot nga ng kaniyang noo dahil sa natanong ngang tanong ni Felimona. “At bakit