~Enero 20, 1882~ “Donya Margaret, nasa ibaba ho ang Ginoong Caloy,” saad nga ngayon ni Lucing na siya ngang kakapasok lang sa kwarto ng Donya na kanina ay kasalukuyang nagsusulat sa kaniyang talaarawan ngunit ngayon ay natigilan nga siya nang sambitin ng matanda ang pangalan ng taong halos ilang araw nga niyang pilit na iniiwasan. “P---pakisabi nalang Manang Lucing na hindi ko na kailangan pa ng kasama para ihatid si Fidel sa kaniyang eskwelahan,” sagot nga ngayon ng Donya na siya na ngang inayos ang sarili at agaran ngang isinara ang kaniyang talaarawan nang makita ngang nabaling ang tingin ng matanda rito. “N---ngunit Donya, hindi ba at may ensayo ngayon ang senyorito sa paggamit ng espada? Hindi ba dapat na samahan siya ni Ginoong Caloy rito??” sunod-sunod ngang katanungan ngayo