~Hulyo 5, 1950~ "Susmaryusep! Sino ang mga batang ito?" nakakarumarik na sigaw ng isang matandang lalaki na dahilan para magising ng tuluyan si Python at Eeya na ngayon ay randam ang sakit ng kanilang mga ulo dahil sa mabilisang pag-ikot ng kanilang paligid. "P—pa?" nagtatakang tanong ni Python habang unti-unting binubuksan ang kaniyang mga mata. Pero laking gulat nito nang malamang hindi pala ang papa niya ang kaharap nila ngayon bagkus ay isang matandang lalaki ang siyang nakatingin sa kaniya habang nakakunot ang noo nito. Dahilan ito para unti-unting kumunot ang noo ni Python dahil sa pagtataka kung sino ang matandang ito at kung bakit ganoon nalang kapormal ang kaniyang damit. May hawak itong panghampas na kahoy sa kaliwa niyang kamay at sa kanan naman ay may hawak itong tobocco