~Hunyo 18, 1890~ Pilipinas “Dahlia, may nahanap ka ba sa kwarto ng iyong ama?” agarang tanong ni Felimona sa kaniyang kaibigan nang kakapasok pa lamang nito sa kwarto ng dalaga. At natigilan nga ngayon si Felimona at nagtaka kung bakit tila natahimik at hindi siya sinagot agad ni Dahlia na ngayon ay naglakad nga palayo sa kaniya at may kinuhang isang makapal na dokumento mula sa kaniyang aparador. “Felimona, hindi ako sigurado kung—“ “Kung ano? Dahlia, m—may problema ba?” sunod-sunod ngang tanong ngayon ni Felimona rito na siya ngang hindi niya sinagot bagkus ay iniabot nga nito ang isang makapal na dokumentong hawak-hawak niya. Agaran ngang kinuha ni Felimona ang dokumento at inilapag ito sa mesa. Ngunit bago pa man siya magpasyang buksan ito ay tumingin nga muna siya kay Dahlia