~Septyembre 15, 1881~ “Maaari ko bang matanong kung sino ang nagpadala sa iyo rito sa aking mansyon iho?” tanong nga ni Don Federico Salazar na isang purong espanyol na kilala nga na isa sa may pinakamataas na rangko sa pamahalaan ng San Nicolas. At ngayon ngay kaharap niya ang isang misteryosong lalaking ngayon nga lang niya nakita na siyang nagpakilala ngang kakilala niya ang Don Federico at nais niyang makausap ito. “Ako ho si ---“ panimula nga ng lalaki na siyang napatigil sa pagsasalita nang lumabas nga mula sa loob ng bahay ang asawa’t anak ni Don Federico na si Doña Margaret at Señorito Fidel na siyang hawak-hawak nga ngayon ng Doña Margaret sa kaliwang kamay nito. Ang labintatlong taong gulang ngang bata ay ibinaling ang tingin sa lalaking nasa harap nila ngayon na siya ng