~Pebrero 7, 1880~ Mag-iisang lingo na rin nga mula noong una ngang napadpad ang misteryosong batang lalaki sa ampunan kung saan ngay wala itong maalala ni isang impormasyon patungkol sa kaniya o kung saan man siyad nanggaling. At habang nakaupo nga ngayon ang batang lalaki sa isang bangko kung saan ngay katapat niya ngayon ang iba pang mga bata na kasalukuyan may kaniya-kaniyang mga kinakalaro at nilalaro. “Hoy, bata, ibato mo yaong bola,” saad nga ngayon ni Jose na siyang pinakamatandang bata sa ampunan na ngayon ngay itinuro ang bola na nasa siyang natigilan nga sa paggulong nang mabangga nito ang paa ng misteryosong batang lalaki. “Hoy, bingi ka ba o sadyang nagbibingibingian ka lamang ha?” tanong ngang muli ni Jose dahilan para agad ngang matauhan ang batang lalaki at unti-unti