Unang Bahagi: Kabanata 31

2678 Words

~Hunyo 21, 1890~ Batangas “Pasok kayo rine,” ani ni Ursula nang mabuksan niya ang pintuan ng kanilang mumunting bahay na siyang hindi kaliitan at hindi rin nga kalakihan ngunit ang gandang sumisibol sa kanilang bahay ay tunay na hindi maipagkakaila. Kapansin-pansin ang makulay na pinta ng labas ng kanilang bahay na siyang may kombinasyon ng kulay asul at kahel. Ang bahay ay hindi nalalayo sa pangpang ng dagat ng Batangas kaya’t kapansin-pansin nga ang buhanging nakapalibot dito. “Napakaganda ho ng inyong tahanan Lola Ursula at Lolo Baste,” nakangiting saad ngayon ni Fidel na siyang kasalukuyang inililibot ang tingin sa loob ng bahay. “Aba’t syempre, kahit na mahirap kami at maliit lamang ang bahay namin ay ibinawi naman namin lahat sa pagdedesenyo ng aming bahay. Mabut na at narito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD