~Hunyo 22, 1890~ San Nicolas “P*unyeta! Solo busco a una persona tuya, ¡pero aún no lo has hecho! ¡Aquellos que son inútiles! (Isang tao lamang ang ipinapahanap ko sa inyo ngunit hindi niyo pa magawa! Mga inutil!)” Isang napakalakas na tunog ng isang malutong na sampal ang umalingawngaw sa buong mansyon ng De Ayala nang sunod-sunod ngang pagsasampalin ng Don Valentino De Ayala ang isang gwardiya sibil na siyang isa sa mga inutusan nila upang hanapin ang Senyora Felimona “Don Valentino, huminahon ka lamang,” ani ng Heneral Jacinto Cruz na siya ngang tinulungan na makatayo ang gwardiya sibil. “Heneral Jacinto, isang simpleng bagay lamang ang ipinapagawa ko sa inyo ngunit hindi niyo pa rin magawa?” sarkastiko ngang baling na tanong ngayon ng Don sa Heneral dahilan upang matahimik ito at