~Hunyo 21, 1890~ Unti-unti ngayong iminulat ni Fidel ang kaniyang mga mata nang masinagan siya ng sikat ng araw na siyang nagmumula sa katapat nitong bintana. At ngayon ay dahan-dahan nga itong tumayo mula sa pagkakahiga sa sopa kung saan siya natulog. “Es ist Zeit, (Oras na)” saad nito na siyang ngayon ngay napahinga ng malalim habang nakatingin sa bintana na siyang pinagmumulan ng sikat ng araw. At makalipas nga ang ilang minuto ay nagpasya na nga itong ayusin ang kaniyang mga kagamitan ngunit napatigil siya nang makita niya ngayon ang kaniyang talaarawan. Kalaunan ay nagpasya itong pumunit ng kaperasong papel mula rito. Ngayon ay dahan-dahan na nga itong nagsulat ng kaniyang liham kay Felimona na kasalukuyang tulog pa sa pangalawang palapag ng parola. Dahil bago nga umalis si Fide