Chapter 56: Regrets THIRD PERSON'S P.O.V "Mommy! Gusto ko iyong toy na iyon!" malungkot na sabi ni Trinity. "Anak nakuha na kasi iyon ng ate mo eh. Limited edition iyon kaya wala na silang ibang laruan na ganun," seryosong sabi ng mommy ni Trinity. "But I want that toy, mom!" pagmamaktol naman ni Trinity. At dahil nakita naman ni Serenity na nagwawala na si Trinity dahil gusto nito ang laruang hawak niya at unang binili ng parents nila para kay Serenity ay lumapit na lang agad si Serenity sa kapatid niya. "Terine, gusto mo ba 'to? Sa' yo na lang if gusto mo. Pwede pa naman ako magpabili ng ibang laruan," nakangiting sabi ni Serenity kay Trinity saka inabot sa maliit na kamay ni Trinity ang laruang hawak ni Serenity kanina. Napanganga naman si Trinity dahil hindi niya inaasahang ibib

