Chapter 47: Downfall THIRD PERSON'S P.O.V Napahinga na lang si Serenity nang malalim dahil alam niya naman na mukhang nagtatalo ang dalawang lalaki. "Bryce, huwag kang mag-alala sinabihan ko naman 'tong si Axl na nasa opisina ako kasi balak niya sana ako puntahan sa condo." paliwanag ni Serenity kay Bryce. Tumango naman si Bryce ng maintindihan nito ang paliwanag ni Serenity. "Tell me, kapag sinubukan ka ulit saktan ng lalaking' to, okay?" Ngumiti lang nang marahan si Serenity saka napailing-iling bago nagpasiya si Bryce na umalis ng opisina ni Serenity. "By the way, ano pa lang dahilan ba't gusto mo akong bisitahin?" seryosong tanong naman ni Serenity kay Zach. "Tutal naman ay gabi na, gusto mo bang mag-dinner kasama ko?" seryosong aya naman ni Zach kay Serenity. Napanganga naman

