NAKAIDLIP na si David nang muli siyang gisingin ng matinding pagkalam ng kanyang sikmura. Umiinit na naman ang dibdib niya. Dahandahan siyang kumalas kay Athena na mahimbing na ang tulog. Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Pagdating niya sa kusina ay naghalungkat siya ng makakain. Nakakailang subo pa lamang siya ng pagkain ay tila hinahalukay ang sikmura niya. Nailuwa din niya lahat ng kinain niya. “s**t! Bakit ba ako nagkakaganito?” tanong niya sa sarili. Pakiramdam niya ay idinadarang sa apoy ang katawan niya. Lumabas siya ng bahay. Tumingala siya sa kalangitan. Nang tumitig siya sa kalahating buwan ay biglang tila naggagalawan ang mga lamang loob niya. Para siyang sinasakal. Hinagod niya ang kanyang dibdib na para bang inaapuyan. “Agh!” daing niya. Naging sinsitibo na naman ang five