Angelic Sin: Chapter 2

1091 Words

"Casmon," may diing saad ko bago marahas na inalis ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa aking balikat. Mabilis kong pinagalaw ang aking kanang paa at sinipa nang pagkalakas-lakas ang Incubus dahilan para tumilapon ito ng ilang metro. Naghalo-halo na ang naramdaman ko. Galit, lungkot, saya- hindi ko na maintindihan. "Hannah," tawag nito sa akin dahilan para mas lalo akong magalit. Marahas kong tiningnan ang lalaking may sungay na nakaturo paibaba, pulang mga mata, matikas na pangangatawan na nababalot ng itim na marka, may matatalas na mga kuko na kulay itim, at ang tanging suot lang ay itim na pang-ibaba na hanggang sa kaniyang bukong-bukong. "Hindi ako si Hannah, ako si Helleia," malamig ngunit may diin kong pagkakasabi kasabay ng pagpapadaloy ng hangin sa aking mga kamay. "Hannah,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD